_pang-masa
^

Police Metro

3 katao dakip sa shabu

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kulungan sasalubungin ng tatlong katao kabilang ang isang babae ang pagsalubong sa Bagong Taon matapos na sila ay madakip sa shabu buy bust operation kamakalawa sa Valenzuela City.

Ang tatlong suspek na nakakulong sa Valenzuela Station Anti-Illegal Drugs-Special Ope­rations Task Group ay kinilalang  sina Lalaine Dionisio, ng no. 51 Sta. Cruz Apartment, LGP, Meycauayan, Bulacan; Joey Domingo, alyas “Nonoy”, 37; at Bobby Rod­riguez, alyas “BJ”, 26, kapwa ng Mansanas Street, Bilog, Balangkas, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon nang ikasa ang drug operation laban sa mga suspek na matagal nang minamanmanan ng pulisya sa iligal na aktibidad ng mga ito.

Nakipagtransaksiyon ang poseur buyer sa mga suspek sa pagbebenta ng iligal na droga at hindi na nakapalag ang tatlo nang dakmain matapos na tanggapin ang marked money buhat sa poseur buyer.  

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, P300 marked money at isang balisong.

 

BAGONG TAON BOBBY ROD CRUZ APARTMENT DRUGS-SPECIAL OPE JOEY DOMINGO LALAINE DIONISIO MANSANAS STREET TASK GROUP VALENZUELA CITY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with