Pekeng traffic enforcer, inaresto

Danilo Garcia (Pang-masa) - November 24, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bagsak sa selda ang isang lalaki na nahuli sa aktong nagpapanggap na traffic enforcer at nangingikil sa mga tsuper ng pampasaherong jeepney sa Caloocan City.

Ang suspek ay kinilalang si Raymond Almodiente, 26, binata, ng no. 1509 Sawata Area 1 Maypajo, Brgy. 39, ng naturang lungsod.

Kinasuhan ito ng “usurpation of authority at illegal possession of deadly weapon” makaraang makunan ng balisong.

Sa ulat, dakong alas-3:00 kamakalawa ng hapon nang matiyempuhan ni Paul Christian Victorio, 33, miyembro ng Department of Public Safety and Traffic Management ng Caloocan City Hall ang suspek na nakasuot ng kulay orange na uniporme ng kanilang opisina at namamara ng mga pampasaherong jeep sa may A. Mabini Street, Maypajo, Brgy. 33, ng naturang lungsod.

Dahil sa hindi kilala, agad na tinawag ni Victorio ang mga kasamahan upang kumprontahin ang suspek.

Ngunit nakahalata umano ito at nagtangkang tumakas kaya nagkaroon ng habulan hanggang sa masakote si Almodiente.

ALMODIENTE BRGY CALOOCAN CITY CALOOCAN CITY HALL DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT MABINI STREET MAYPAJO PAUL CHRISTIAN VICTORIO RAYMOND ALMODIENTE SAWATA AREA
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with