Brodkaster bulagta sa nakamotor
Joy Cantos (Pang-masa) - May 24, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang radio brodkaster ang nasawi matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng umaga sa Digos City, Davao del Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Samuel “Sammy” Bravo Oliverio, 57, announcer ng Ukay Radio sa lungsod.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang pamamaslang sa biktima dakong alas-7:00 ng umaga sa kahabaan ng Del Pilar St., ay minamaneho nito ang kanyang motorsiklo papauwi sa kanilang bahay buhat sa palengke.

Nagmamadali itong umuwi ng bahay upang mapakinggan ang kanyang  pang-umaga na programa na magsisimula ng alas-8:00 ng umaga.

Habang binabaybay ang nasabing lugar ay dinikitan siya ng isang motorsiklo at biglang pagbabarilin.

Ang biktima ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng cal. 45 sa ulo at isa sa leeg na agad nitong ikinasawi habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar.

Sa tala, si Oliverio ang ikatlong reporter na pinaslang sa Digos City, umpisa noong 2006 kung saan ang unang biktima  ay si Armado Pace at Nestor Bedolido, isang lokal na mamamahayag noon namang 2010.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ang pamamaslang sa biktima na isang kilalang matapang na birador ng  mga personalidad na sangkot sa illegal  gambling at illegal drugs at  ika-28 na mediamen na napaslang sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno S. Aquino.

AQUINO ARMADO PACE BRAVO OLIVERIO DAVAO DEL PILAR ST. DIGOS CITY HABANG NESTOR BEDOLIDO PANGULONG BENIGNO S UKAY RADIO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with