^

Police Metro

Fetus itinapon sa simbahan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuan ng isang security guard ang isang fetus na nakasilid sa plastic bag malapit sa banyo ng Our Lady of Mercy Parish na matatagpuan sa Quirino Highway, Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa salaysay ng guwardiyang si Virgilio Apostol na nagpapat­rulya sa paligid ng simbahan nang mapuna nito ang isang plastic bag na nakahambalang malapit sa pinto ng kubeta.

Nang ito ay kanyang tignan ay bumulaga sa kanya ang nasabing fetus kung kaya’t agad niyang ipinagbigay alam sa pulisya.

Posible anyang inihagis lang ang fetus sa simbahan, dahil imposibleng makapasok ang mga taong maglalagay nito sa loob dahil nakasarado ito at may gate pang dapat daanan bago makapasok.

BRGY

NANG

NATAGPUAN

NOVALICHES

OUR LADY OF MERCY PARISH

POSIBLE

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

VIRGILIO APOSTOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with