_pang-masa
^

Police Metro

11 arestado sa shabu buy bust operation

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ahente ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 11 katao kabilang ang isang babae sa isinagawang buy-bust operation sa Iligan City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang mga suspek na sina Reyna Dacula, 39, may-ari ng bahay na matatagpuan Purok 5, Saray, Iligan City na ginagawang pot session; Luis Balon­cio, 27; Jorien Dacula, 20; Carlos Macalyag, 35; Jun Rey Baroy, 29; Rey Timkang, 30; Jason Iglesias, 18; Roly Ornopia, 32; Archie Relacion, 33; at Jonathan Paner, 22; at isang 17-anyos na lalaki.

Sa ulat, dakong alas-2:15 ng hapon nang magpanggap na poseur buyer ang isang ahente ng PDEA kay Dacula.

Nang halughugin ng mga operatiba sa bahay ay 19 pang plastic sachets ng hinihinalang shabu na nagkakaha­laga ng P8,750 at ilang drug paraphernalia ang narekober.

Samantala, naaresto rin ng PDEA ang suspek na si Kheng Ibrahim Ebad, 35, negosyante at residente sa Dulawan, Datu Piang, Maguindanao sa isinagawang buy-bust operation sa Digos City.

 Naaresto si Ebad matapos makipagtran­saksyon ang mga ope­ratiba sa kanya para sa pagbili ng kalahating kilo ng iligal na droga.

Nagkasundo ang dalawang panig na magpalitan ng items sa may Tienda Aplaya, Digos City kung saan siya ina­resto dakong alas-10:00 ng umaga.

Nang kapkapan si Ebad ay muli itong nakuhanan ng plastic sachet na naglalaman ng 50 gramo ng shabu.

Nasa P454,500.00 na halaga ng shabu ang nasamsam ng otoridad sa suspek.

ARCHIE RELACION CARLOS MACALYAG DATU PIANG DIGOS CITY DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G DRUG ENFORCEMENT AGENCY EBAD ILIGAN CITY JASON IGLESIAS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with