^

Pumalag sa rape, pinagtataga

Joy Cantos (Pang-masa) - December 6, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang 18-anyos na dalaga ang walang awang pinatay ng manlaban sa tangkang panghahalay sa kanya kamakalawa sa Brgy. Santiago. Balatan, Camarines Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Jennylyn Olieres, na nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naaresto agad ang suspek na si Espelito Nuevo, 21 sa pinagtaguan nitong kubo sa bundok sa naturang barangay.

Sa ulat, pinasok ng suspek na armado ng itak ang dalaga na nagkataong nag-iisa sa nasabing bahay at tinangka itong halayin.

Nanlaban ang dalaga na nagawang makatakbo palabas ng bahay at hinabol ng suspek at nang maabutan ay pinagtataga ito na siya nitong dagliang ikinasawi.

Natukoy naman ang suspek matapos na isang kapitbahay ng pamilya nito ang mapadaan sa lugar at masaksihan ang krimen.

 

BALATAN BRGY CAMARINES SUR ESPELITO NUEVO ISANG JENNYLYN OLIERES NAARESTO NANLABAN NATUKOY SUSPEK
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with