_pang-masa
^

2 bakasyunista gutay sa granada

Joy Cantos (Pang-masa) - June 8, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagutay ang katawan ng dalawang lalaking bakasyunita habang nasa kritikal na kondisyon ang dalawa pa matapos na tamaan ng sumabog na granada na inihagis sa kubo na  kanilang pinagpapahingahan  naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pajo, Balud, Masbate.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Jelly Sese at Lolito Tabique; pawang nasa hustong gulang at mga taga Samar na  bakasyunista sa lugar.

Inoobserbahan sa Masbate Doctors Hospital ang dalawa pang biktima na sina Rechil Sese at isang tinukoy lamang sa pangalang Delia; pawang nagtamo ng malubhang sugat sa katawan.

Sa ulat, naitala ang pagsabog dakong alas-5:00 ng hapon sa isang kubo malapit sa bahay ni Brgy. Chairwoman Lina Recto sa Brgy. Pajo, Balud ng lalawigan.

Nabatid na kasalukuyang namamahinga sa kubo ang mga biktima nang biglang hagisan ng granada ng hindi pa nakilalang mga salarin.

Mabilis na sumambulat ang granada at napuruhan ng pagsabog ang dalawang nasawi.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng pagpapasabog at kung sino ang nasa likod ng krimen.

BALUD BRGY CHAIRWOMAN LINA RECTO DELIA INAALAM JELLY SESE LOLITO TABIQUE MASBATE DOCTORS HOSPITAL PAJO RECHIL SESE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with