Holdaper utas, 1 pa sugatan sa shootout
Ludy Bermudo (Pang-masa) - May 23, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines -Isang lalaki na hinihinalang holdaper ang nasawi habang ang kasama nito ay nasugatan matapos na makipagbarilan sa mga rumespondeng tauhan ng Manila Police District-Station 9 kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Namatay noon din ang suspek na ki­ni­lalang si Jimboy Abadami, ng Sta. Barbara, Zamboanga City habang  naka­ratay ngayon sa Ospital ng Maynila mata­pos masugatan ang kasamahan nitong si Lando Lim, 29, ng no, 2164 B Leveriza St., Malate, Maynila.Habang isa pang kasama ang nakatakas.

Batay sa ulat, bago naganap ang shoot­out dakong alas-7:43 ng gabi malapit sa Paraiso ng Batang Maynila, Quirino Ave­­­nue, Malate, Maynila, isang Marvin Blando, 36 ng Leveriza St., Pasay City ang dumulog sa MPD-Station 9 kaugnay sa panghuholdap sa kaniya ng 3 lalaki kung saan natangay ang kanyang silver neck­lace (P1,500); cell phone (P9,000)at P1,500 cash.

Sinamahan nina SPO1 Luis Rufo at PO1 Paul Bermudez ang biktima sa lugar kung saan siya hinoldap at pagdating malapit sa Paraiso ng Batang Maynila ay nakita at itinuro ni Blando ang mga nangholdap sa kanya na naglalakad.

Palapit pa lamang sina Rufo at Ber­mudez sa mga suspek nang nagtak­buhan ang mga ito sabay nagpa­putok kaya’t gumanti din ng putok na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Abadami habang tinamaan sa hita si Lim.

Nakuha sa pag-iingat ni Abadami ang isang kalibre 22 at narekober din sa mga suspek ang mga natangay mula sa biktima.

ABADAMI B LEVERIZA ST. BATANG MAYNILA JIMBOY ABADAMI LANDO LIM LEVERIZA ST. LUIS RUFO MAYNILA SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with