Wanted na MPD-torture cop timbog
Joy Cantos (Pang-masa) - April 16, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nadakip ng PNP-Intelligence Group ang wanted na torture cop ng Manila Police District na nakunan sa video na kumalat sa internet habang hinihila ang ari ng isang nahuling snatcher sa lungsod ng Maynila noong Agosto 2010.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si Sr. Inspector Joselito Binayug, dating hepe ng Asuncion Police Community Precinct sa Tondo, Maynila.

Si Binayug ay sinibak sa  puwesto matapos makunan ng video sa pag-torture sa snatcher na tinukoy lamang sa pangalang Darius habang namimilipit sa sakit habang hinihila nito ng alambre  na itinali sa ari ng suspek.

Nabatid na bandang alas-11:00 ng umaga nang masakote  ng mga operatiba ng PNP–Intelligence Group (PNP-IG) si Binayug habang nagpapa-renew ng kanyang driver license sa harapan ng tanggapan ng Land Transportation Office sa Tayuman sa lungsod ng Maynila.

Hindi na nakapalag si Binayug matapos na dakpin ito ng mga operatiba ng PNP-IG at dinala sa Camp Crame.

Samantala wanted pa rin ang kapatid ni Binayug na si PO1 Nonito Binayug at iba pang sangkot sa kaso.

AGOSTO ASUNCION POLICE COMMUNITY PRECINCT BINAYUG CAMP CRAME INTELLIGENCE GROUP LAND TRANSPORTATION OFFICE MANILA POLICE DISTRICT MAYNILA NONITO BINAYUG SI BINAYUG SR. INSPECTOR JOSELITO BINAYUG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with