^

Police Metro

Kristo sa sabungan dinedo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang kilalang kristo sa sabungan maka­raang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nakaistambay sa kanilang lugar sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Marlon Alindog, 30-anyos, residente ng #11-B Mary Luz Street, M. Dela Cruz, ng naturang lungsod. Naisugod pa ito sa Pasay City General Hospital ngunit hindi na rin naisalba ng mga mangagamot dahil sa tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-7:45 ng gabi sa Tripa De Turla sa M. Dela Cruz Street.

Ayon sa mga pinagtanungan ng pulisya, bigla na la­mang umalingawngaw ang isang putok ng baril at du­guang bumagsak si Alindog.

Kaagad rumesponde ang mga tauhan ni P/Sr. Insp. Antonio Sotomayor, hepe ng PCP-5, kung saan nakuha sa lugar ng krimen ang isang basyo ng bala buhat sa kalibre 45 at cell phone na pag-aari ng biktima.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Maranilla Alindog, 32-anyos, madalas umanong makatanggap ng pagbabanta sa buhay ang kanyang kapatid sa cell phone buhat sa hindi kilalang suspek.

ANTONIO SOTOMAYOR

AYON

B MARY LUZ STREET

DELA CRUZ

DELA CRUZ STREET

MARANILLA ALINDOG

MARLON ALINDOG

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with