^

PM Sports

PBA All Stars

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Wala ng isang buwan bago dumating ang targeted May 16-17 sked ng PBA para sa 2025 All-Star Extravaganza.

At dahil nagkaproblema ang partner LGU host, ipinahiwatig na ni PBA commissioner Willie Marcial ang posibilidad ng kanselasyon ng festivities.

Malaking kalungkutan ito sa mga PBA fans, pu­rists at die-hard followers. Maaaring kalungkutan din ito sa mga PBA players na maaalisan ng pagkakataon na maranasan ang All-Star fun.

Pero hindi ba pwedeng ibalik na lang muna ang All-Star Game sa Metro Manila kung saan ito nagsimula at namalagi ng mahabang panahon?

Malungkot naman na 50th PBA anniversary, at saka pa nawala ang mid-year spectacle.

Hindi ba pwedeng ulitin ang isang special event sa Rizal Memorial Coliseum, gaya ng paghahatid ng San Miguel Beer-Meralco retro game noong April 9?

Isa pang suggestion ang pagbabalik ng PBA All Stars versus National team, habang nangangailangan naman talaga ng tune-up ang Gilas Pilipinas para sa parating nitong FIBA Asia Cup campaign.

Imagine June Mar Fajardo, Scottie Thompson, CJ Perez, Calvin Oftana at Japeth Aguilar kontra Arvin Tolentino, Stephen Holt, Robert Bolick, Justin Arana at Justine Baltazar.

Pwedeng mahirap pauwiin ang mga gaya nina Gilas players Dwight Ramos at Carl Tamayo para dito.

Pero marami pang ideas na pwedeng pag-isipan, sana lang eh huwag isara ang pintuan sa paghahatid ng Season 49 All-Star Game.

Sana naman!

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with