^

PM Sports

War Cannon mapapalaban sa Silver Cup

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng isa sa mamar­kahan ng mga karerista ay ang 2021 3rd Leg Triple Crown winner War Cannon sa magaganap na PCSO “Silver Cup” sa darating na Linggo sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Kabilang sa nagsaad ng pagsali ang War Cannon at makakaharap niya ang 10 pang tigasing kabayong nominado rin sa event na nakataya ang tumatagin­ting na P4M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.

Ang ibang lalahok sa prestihiyosong karera na may distansyang 1,800 meter race ay ang Basheirrou, Boss Emong, Diversity, Don Julio, Easy Does It, Istulen Ola, Jungkook, La Trouppei, Magna Cum Laude at Prime Billing.

Gagabayan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee, John Alvin Guce ang War Cannon upang sikwatin ang premyong P2.4M sa event na inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office, (PCSO).

Kukubrahin ng se­cond placer ang P800,000, mapupunta sa third ang P400,000 habang P200,000 sa fourth.

Inaasahang mahigpit ang magiging labanan ng 11 kasaling kabayo dahil malaki ang premyong paglalabanan sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Ang War Cannon ang bumigo sa Nuclear Bomb na target ang Triple Crown sweep noong 2021 nang naglaban sila sa third leg.

Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, mabibigyan ng magandang laban ang War Cannon sa mga kalahok na Boss Emong, Magna Cum Laude at Don Julio.

 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with