^

PM Sports

Lady Blazers sinolo ang liderato

Nilda Moreno - Pang-masa
Lady Blazers sinolo ang liderato
Wielyn Estoque (14) of the Benilde Lady Blazers.
NCAA / Photo courtesy of Angela Davocol

MANILA, Philippines — Nagtala na naman ng impresibong panalo ang defending champions College of St. Benilde ma­tapos magtulungan sa opensa sina Michelle Gamit at Wielyn Estoque upang kalusin ang Jose Rizal University, 25-13, 25-12, 25-20 sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Kumana sina Gamit at Estoque ng tig-walong puntos para sa Lady Bla­zers na pinahaba ang winning streak sa 32 sa loob ng apat na taon at masolo ang liderato.

Hawak ang 3-0 kartada, halos ipasok ni head coach Jerry Yee ang lahat ng kanyang players, kaya walang nakapuntos sa ka­nila ng double digits.

“We try not to mind those, we don’t even count,” sabi ni Yee. “Kulang pa sa execution, da­mi pang kulang, dami pang aayusin. Hopefully, maayos namin,”

Bukod kina team captain Jessa Dorog at libero Fiona Getigan, ang lahat ng players ay umiskor.

Inihahanda na ni Yee ang ibang mga players dahil isang season na la­mang maglalaro sina starters Gamit, Jade Gentapa, Cloanne Mondonedo at Gayle Pascual na mga graduating athletes.

Tumipa naman si Ma­ry May Ruiz ng siyam na puntos pero hindi sapat upang itaguyod sa panalo ang Lady Bombers na na­lasap ang pangalawang talo sa tatlong salang.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with