^

PM Sports

Pagpupugay

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Tatlong tulog na lang, at magsasama-sama na ang pinakamalalaking pangalan sa Philippine sports sa iisang bulwagan para sa 2023 SMC-PSA Awards Night.

Inaasahan ang apaw na attendance sa blue-ribbon event sa Diamond Hotel-Manila sa Lunes, una dahil sa laki ng bilang ng list of awardees.

Ito ay hindi lang dahil sa nagkasabay-sabay sa iisang taon ginanap ang Asian Games, SEA Games, ASEAN Para Games, Asian Para Games at World Combat Games.

Pero dahil tunay na nagningning ang mga atletang Pilipino sa taong 2023.

Unang sigwada pa lang ng 2023, may world  champions na tayo sa katauhan nina Johann Chua at James Aranas (world pool). Papatapos ang taon naman humugot  ng world crown sa Rizal Memorial Coliseum ang AP Bren sa esports.

Sa pagitan ng dalawang major feats na ito, wagi rin sa marami pang world championships, continental meets at international invitationals ang ating mga pam­bato.

Malaking proud moments ang hinatid ni pole-vaulter EJ Obiena, Gilas Pilipinas at ang Philippine wo­men’s football team.

Ang lahat ng ito ay bi­bigyang pugay sa PSA Awards sa Lunes kung saan inaasahan din ang attendance ng mga higan­teng sportsmen/sports leaders kasama sina POC president Cong. Bambol Tolentino, PSC chairman Richard Bachmann, SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan, SMC chief Ramon S. Ang, 1-Pacman party list Rep. Mikee Romero at marami pang iba.

Malaking contingent ang darating mula sa Samahang Basketbol ng Pi­lipinas na co-winner ng NSA of the Year kasama ang Jiu-Jitsu Federation of the Philippines.

Kasama sa bibigyan ng pagpugay sina Samboy Lim, Allan Caidic, Dante Silverio, Joe Lipa at Turo Valenzona bilang Lifetime Achievement awardees.

Ang aming pagsaludo sa inyong lahat.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with