^

PM Sports

Wright masaya sa Kyoto

Chris Co - Pang-masa
Wright masaya sa Kyoto
Matthew Wright

MANILA, Philippines — Masaya si Matthew Wright sa bagong pamilya nito sa ngalan ng Kyoto na nasa Japan B.League.

Dalawang taon ang pinir­mahang kontrata ni Wright sa Kyoto at excited na itong makasama ang team sa mga laban nito sa B.League.

Malaking hamon ito para kay Wright ngunit handa itong gawin ang lahat upang matulungan ang kanilang tropa.

“I think it’s going to be a great challenge because I feel like I was getting a little too comfortable in the Philippines being there for six years,” ani Wright.

Isa ang Kyoto sa mga underdog teams sa B.League.

Ngunit sanay na si Wright sa ganitong estado dahil isa rin ang dati nitong team na Phoenix sa mga underdogs sa PBA.

“We didn’t win a lot of games in Phoenix and it was very frustrating and I felt like I needed a change in scenery and just new challenges for myself,” ani Wright.

Nais ni Wright na mas lalo pang mahubog ang kanyang talento sa Kyoto lalo pa’t makakasama nito si dating Canada youth basketball head coach Roy Rana.

“I’m always constantly trying to become a better basketball player. I think that the main goal is to always strive for improvement and developing your game and I felt like joining Kyoto would be the best fit for me,” ani Wright.

Kilala na ni Rana si Wright sapul noong 15-anyos pa lamang ito at naglalaro sa isang high school team na Martingrove Collegiate Institute sa Toronto, Canada.

Namangha si Rana sa laki ng improvement ni Wright.

“He’s got incredible toughness. People don’t really understand that he’s had to go through a lot in his life, to be able to become the man that he’s become and become the player that he’s become,” ani Rana.

MATTHEW WRIGHT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with