_pang-masa
^

PM Sports

Drummond sa Philadelphia na

Pang-masa

PHILADELPHIA — Magkakaroon na ng twin towers ang 76ers matapos mapapirma si nine-year veteran center Andre Drummond para makatuwang ni star slotman Joel Embiid.

Naglaro ang 6-foot-10 na si Drummond noong 2020-21 season para sa Cleveland Cavaliers at Los Angeles Lakers.

Pipirma naman si four-time All-Star point guard Kemba Walker sa New York Knicks matapos pumayag sa isang buyout sa Oklahoma City Thunder.

Hindi siya naglaro para sa Thunder na nakahugot sa kanya sa isang trade sa Boston Celtics noong Hunyo kapalit ni center Al Horford.

Sa Atlanta, pipirma si power forward John Collins sa isang five-year, $125 million contract para manatili sa Hawks.

Nauna nang nakipagkasundo si guard Trae Young para sa isang five-year, $207 million rookie extension sa Hawks.

ANDRE DRUMMOND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with