_pang-masa
^

Espejo lalaro uli sa Japan

Chris Co (Pang-masa) - June 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magbabalik si five-time UAAP MVP Marck Jesus Espejo sa Japan V.League matapos pumirma ng kontrata sa FC Tokyo volleyball team.

Maglalaro si Espejo para sa 2021-2022 season ng Japan V.League na inaasahang magsisimula sa huling bahagi ng taon, ayon sa statement ng FC Tokyo na mainit na tinanggap ang Pinoy spiker.

“Wishing you all the best in Tokyo, Marck! Team Awesome is with you all the way,” ayon sa post ng FC Tokyo sa kanilang social media account.

Hindi naman na bago si Espejo sa Japan V.League.

Una na itong sumalang noong 2018 kasama ang Oita Miyoshi Weisse Adler.

Matapos ang kanyang paglalaro sa Japan, nasilayan sa aksiyon si Espejo sa Thailand Volleyball League suot ang jersey ng Visakha noong 2020.

Nakapaglaro na rin si Espejo para sa Bani Jamra sa Isa bin Rashid Volleyball League sa Manama, Bahrain mula Nobyembre 2020 hanggang Enero 2021 kaya malalim na ang karanasan ni Espejo sa international tournaments.

Extended naman ang kontrata ni Bryan Bagunas sa Oita Miyoshi.

MARCK JESUS ESPEJO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with