^

PM Sports

‘Di nahirapan ang kabayong Work Bell sa PHILRACOM Juvenile Fillies & Colts stakes

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang kahirap-hirap na sinikwat ng Work Bell ang panalo sa 2020 PHILRACOM “1st Leg Juvenile Fillies & Colts stakes race kahapon sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite.

Hindi muna pinatulan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year Jonathan Hernandez ang mga rumaragasang kabayo sa unahan, ipinuwesto muna nito ang Work Bell sa tabing balya.

Pero idinikit agad ni star jockey Hernandez ang sakay nitong Work Bell sa Meteora na hawak ang bandera.

Papasok ng far turn ay nasa unahan na ang  pambato ng Bell Racing Stable na Work Bell at tumuloy na ito sa meta para angkinin ang koronang pinanalunan din ng kakuwadrang Union Bell noong nakaraang taon.

Tinanggap ni Elmer De leon ang ha-lagang P600,000 na premyo sa pagkakapanalo ng kanyang kabayong Work Bell.

Omoras ang Work Bell ng 1:18.4 para sa distansyang 1,300 meter race, sumegunda ang Kiss muna na sumilo ng P225,000 habang nakopo ng third placer na Meteora ang P125,00.

Pumang-apat ang My Sweet Lord na nag-uwi ng P50,000 sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with