^

PM Sports

Portland vs Memphis inaabangan

Pang-masa

LAKE BUENA VISTA, Fla. — Ginawang praktisan na lang ang mga huling laro sa NBA seeding games kung saan wagi ang Toronto, Indiana, LA Clippers at Philadelphia habang ang lahat ay nag-aabang sa sagupaan ng Memphis Grizzlies at Portland Trail Blazers sa play-in series para sa ikawalo at huling playoff spot sa Western Conference.

Pinasadsad ng Philadelphia ang kulang sa taong Houston Rockets, 134-94 sa panghuling laro ng regular season games. Nalo rin ang Toronto sa Denver, 117-109; Indiana sa Miami, 109-92; at Oklahoma sa LA Clippers, 107-103.

Ngunit ang laban ng Grizzlies at Portland ang ina­abangan kung saan ang mananalo ang siyang makakalaban ng West top seed team na LA Lakers sa playoffs na magsisimula sa Lunes (Martes sa Manila).

Ang iba pang West first round playoff match-ups ay Houston kontra sa Oklahoma, Denver kontra sa Utah at LA Clippers kontra sa Dallas.

Magtutuos naman sa East ang Milwaukee at Orlando, Indiana at Miami, Boston at Philadelphia, Toronto at Brooklyn. Bilang No. 8 team pagkatapos ng seeding games, diretso sa playoffs ang Portland kung sila ay mananalo ngunit kung matatagumpay ang Memphis ay muli silang maghaharap para sa do-or-die game nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Inaasahang pangungunahan ang Portland ng mainit na si Damian Lillard at CJ McCollum depende kung makakalaro ito ng 100% dahil naiulat na may fractured back ito.

vuukle comment

PORTLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with