Ara Galang
Ampogi ni Ara Galang
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - July 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Poging-pogi ang dating ni F2 Logistics Cargo Movers open hitter Ara Galang nang ipakita niya sa lahat ang bago niyang hairdo.

Pansin na pansin ang buhok ni Galang matapos niyang kulayan ng ginto ito na talaga naman nagpaangat sa kanyang looks ngayon.

“Stay gold,” simpleng caption ng 2018 Philippine Superliga (PSL) Invitationals MVP sa dalawang pictures na kanyang post na may lagpas 9k likes.

Hindi naman nakaligtas sa pang-aasar si Galang mula sa mga kakampi niya sa F2 Logistics na sina Michelle Morente at Dawn Macandili.

Napa-comment si Morente ng: “Idol ko yan! Whoooooooooh!” habang maiksing: “Grabe si koya” lang ang nasabi ng four-time Philippine Superliga (PSL) Best Libero.

 

ARA GALANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with