James Yap kasama ang pamilya sa Italya
MANILA, Philippines — Family photo ang shinare ni Rain or Shine Elasto Painters shooting guard James Yap sa Instagram kasabay ng pagse-celebrate ng 2nd birthday ng kanyang anak na si Francesca.
Kahit nasa gitna pa ng pandemya ay lumipad pa rin patungong Italy si Big Game James para makasama ang pamilya sa espesyal na araw na ito.
“Happy birthday to our princess! We love you very much,” caption ng seven-time PBA champion sa photo na kasama ang girlfriend na Michela Caz-zola at panganay nilang anak na si Michael James.
Bukod sa isang family photo na ngayon may nakuha nang mahigit 15K likes, una nang nag-post ng cute video ni Francesca si Yap habang kumain ito ng isang malaki at fluffy na doughnut.
“Happy 2nd birthday my love, Francesca. Papa loves you so much my love. 06-27-2018,” sabi ni Yap sa video na may halos 78k views at 9k likes.
Bumuhos din ang pagbati para sa anak niya mula sa ibang mga players gaya nina Jeff Chan, Allein Maliksi, Chris Tiu at TV host na si Bianca Gonzales.
Ine-enjoy ngayon ng one-time SEA Games gold medalist ang kanyang bakasyon sa Italya kasabay ng pagpapahinga ng PBA pero sumusunod pa rin siya sa ang tamang health protocols.
- Latest