_pang-masa
^

PM Sports

Tigil-aksyon

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Dahil sa ginagawang malawakang paglaban sa lumalalang sitwasyon ng kumakalat na CO­VID-19, hindi lamang dito sa bansa kundi sa buong mundo ay suspendido o kanselado ang lahat ng sporting events.

Summer pa naman at maraming tournaments ang idinaraos sa mga panahong ito, pero para sa ka­pakanan ng lahat, wala munang maidaraos na sporting event.

Lalo pa ngayon at paiiralin ang ‘community quarantine’ simula bukas hanggang April 14.

Sana ay humupa ang sitwasyon para makapagpatuloy ang mga sinusubaybayang torneo at mai­daos ang mga inaabangang palaro.

Sa ngayon, tigil  lahat ng aksyon.

Wala munang PBA, NCAA, UAAP, MPBL, D-League at iba pang liga.

Bawal na nga kasi ang mass congregation.

Ipinapayong huwag munang lumabas ng bahay kung hindi kailangan at kung kailangang lumabas ng bahay, sundin ang ‘social distancing’ (3 meters away) at pangalagaan ang sarili laban sa kumakalat na virus.

Kasabay nito, magpalakas ng resistensiya, siguraduhing may proteksyon laban sa virus.

Maghugas lagi ng kamay, mag-alcohol o hand sa­nitizer palagi pero mas mainam ang paghuhugas ng kamay.

Kung galing sa biyahe sa abroad, i-isolate ang sa­rili para hindi maipasa sa iba ang virus sakaling na-contact mo na ito nang hindi mo nalalaman.

Lahat nang preventive measures na ito ay lagi na nating nababasa, naririning at napapanood.

Pero sa kasamaang palad, dumarami ang nag­po­­positibo sa COVID-19.

Kaya, nasa ating lahat nakasalalay kung paano ma­lalabanan ang virus.

Responsibilidad natin sa ating sarili sa ating mga mahal sa buhay,  mga taong mahalaga sa atin sa ating komunidad at sa buong bansa na labanan ang virus at protektahan ang ating sarili at ang ibang tao.

Kaya kung sama-sama at tulung-tulong tayong labanan ang COVID-19, mapapabilis ang pagba­balik ng mga sinusubaybayan nating torneo at ma­idaraos lahat ang mga inaabangan nating sporting events.

AKSYON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with