^

PM Sports

Manuel, Tratter pasok sa Gilas

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Manuel, Tratter pasok sa Gilas

MANILA, Philippines — Kumapal uli ang training pool ng Gilas Pilipinas matapos madale ng mga injuries sa pagsisimula ng paghahanda nila para sa nalalapit na 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Idinagdag ng Gilas sa pool nito sina Vic Manuel at Abu Tratter ng Alaska, lagpas isang linggo nalang bago ang first window campaign ng Gilas kontra sa Thailand at Indonesia.

Nauna nang idinagdag ng Nationals si Justin Chua ng Phoenix upang punan ang numipis nilang line-up bunsod ng pag-atras nina Japeth Aguilar ng Ginebra, Christian Standhardi-nger ng Northport at Mac Belo ng Blackwater.

Kasalukuyang nasa rehab ng kanilang knee injuries sina Standhardinger at Belo habang nasa honeymoon si Aguilar.

Sa pagdating ng tatlong big men, lumakas uli ang ilalim ng Gilas. Sasamahan nila sa frontline ang mga natirang manlalaro na sina Marc Pingris ng Magnolia, Poy Erram ng NLEX at Troy Rosario ng TNT.

Aalalay sa kanila ang iba pang slot men na sina no. 1 overall pick Isaac Go ng Columbian at top collegiate center Justine Baltazar ng La Salle.

Inaasahan nina coach Mark Dickel at program director Tab Baldwin ang tulong ng mga bagong pool members lalo na si Manuel na kagagaling lang sa magandang kampanya sa 2019 SEA Games.

Naglaro noon para sa Pilipinas sa unang pagkakataon pa lang ng kanyang karera, nagpakitang gilas si Manuel sa 15. 6 puntos at 4.2 rebounds upang tulungan ang Gilas na magwagi ng gold medal sa biennial meet noong nakaraang Disyembre.

Si Tratter naman, na napili bilang 7th overall pick noong 2018 PBA Rookie Draft, ay minsan na ring naging bahagi ng Gilas pool para sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ito naman ang unang pagkakataon na nakasali sa pool si Chua na nakapagsanay na sa koponan kamakalawa pa.

Patuloy ang ensayo ng Nationals araw-araw hanggang sa laban nito kontra sa Thailand at Indonesia sa Pebrero 20 at 23, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with