^

PM Sports

Davao Occidental No. 1 sa MPBL South division

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinapos ng Davao Occidental ang elimination round sa pamamagitan ng 85-83 paglusot sa Marikina Shoemasters kung saan isinalpak ni Emman Calo ang kanyang krusyal na three-point shot sa huling 8.8 segundo sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season kamakalawa ng gabi sa San Andres Sports Complex.

Binitbit ng Tigers ang 26-4 record sa South division papasok sa quarterfinal round bilang No. 1 team katapat ang No. 8 Bicol Volcanoes (16-14).

Matapos ang kanyang triple ay sinupalpal ni Calo ang tira ni Yves Sazon ng Marikina para kumpletuhin ang pagbangon ng Davao Occidental mula sa 76-81 pagkakaiwan sa huling 1:17 minuto ng fourth period.

Nagdagdag si Joseph Terso ng 13 points habang may 11 points at 14 rebounds si Mark Yee para sa Tigers.

Pinamunuan ni Von Tambeling ang Shoemasters sa kanyang 32 points at nagtala si Sazon ng 23 points at 11 boards samantalang may 18 markers at 12 rebounds si Renato Ular.

Nahulog ang baraha ng Marikina sa 7-22 sa North.

Sumandal naman ang Manila Stars kina Chris Bitoon at Aris Dionisio para patumbahin ang Zamboanga Family’s Brand Sardines, 74-71 at tumapos bilang second seed sa North division hawak ang 25-5 baraha.

Mula sa 70-71 pagkakaiwan sa Zamboanga ay umiskor si Dionisio ng isang alley-oop layup kasunod ang dalawang charities para sa panalo ng Manila.

Nagtala sina Bitoon at Jollo Go ng tig-14 points para sa Stars at naglista si Mark Dyke ng 13 points at 13 rebounds habang may 12 markers si Marvin Hayes.

Samantala, pinadapa ng General Santos Warriors ang Sarangani Marlins, 103-87 para umakyat sa 17-12 sa South.

Tuluyan nang isinara ng Warriors ang pintuan sa playoffs para sa Cebu Casino Ethyl Alcohol (15-14) at winakasan ang season ng Marlins sa league-worst 1-29.

Magtatapos ang eliminasyon ng Lakan Season sa pamamagitan ng isang four-game bill sa Caloocan Sports Complex ngayon.

Magtutuos ang Batangas at Cebu sa alas-2 ng hapon kasunod ang pagkikita ng Rizal at Marikina sa alas-4 habang maglalaban ang Nueva Ecija at GenSan sa alas-6:15 ng gabi.

Sa huling laro sa alas-8:15 ay magsasagupa ang Mindoro at Caloocan.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with