NHA, PITC nagpalakas sa semis
(Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinalakas ng National Housing Autho-rity (NHA) at Philippine International Trading Corporation (PITC) ang kanilang tsansa sa semifinal round matapos iskoran ang mga karibal sa pagsisimula ng quarterfinals ng 8th UNTV Cup sa Paco Arena sa Manila.

Umatake ang NHA Builders ni coach Benneth Palad sa fourth quarter para tapusin ang four-game winning streak ng Judiciary Magis sa pamamagitan ng kanilang 67-59 panalo.

Umiskor sina Antonio Lustestica at Alvin Vitug ng pinagsamang 20  points para pamunuan ang pananalasa ng Builders sa payoff period at pagandahin ang kanilang record sa 7-3 sa annual tournament para sa mga public servants na magbibigay ng P4 milyon na ibibigay sa mapipiling charity ng champion team.

Tumapos si Vitug na may 21 points at 11 boards at may 14 markers si Lustestica para sa NHA at nilimitahan si Judiciary top gun Chester Tolomia sa 17 points.

Humataw naman ang PITC Global Traders ng 35 points sa second quarter para patumbahin ang Department of Agriculture Food Masters, 74-61.

Kumamada ang Global Traders sa second quarter para ibaon ang Food Masters sa 44-29 sa halftime.

Iniskor ni Ryan Regalado ang lahat ng kanyang 12 points mula sa three-point line para sa PITC habang naglista si Luis Lopez ng 10 points at 12 boards.

Ito ang ikaanim na pa-nalo ng Global Traders sa 10 laro kapareho ng Magis.

8TH UNTV CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with