Phl Boxers nalagasan
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - January 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi makakasali sa Asia-Oceania qualifying tournament ngayong Pebrero 3 sa Wuhan, China ang Filipino-British amateur boxer na si John Marvin dahil sa fracture na natamo nito sa kanyang kanang kamay.

Si Marvin ang pambatong sana sa 81 kgs o light heavyweight category ng Olympic qualifying tourney na ito pero dahil sa kanyang tinamong injury sa nakaraang Southeast Asian (SEA) Games ay isasa-sideline muna ito.

“Iyong 81 (kgs) natin si John Marvin, ‘yung Fil-British, unfortunately will not make it to the Asia-Oceania qualifiers, if you will recall nung SEA Games first fight niya he lost it by 3-2 split decision,” sabi ni Association of Boxing Alliances of the Philippines secretary-general Ed Picson.  “Actually first round pa lang na-injured na ‘yung kamay niya and it was found out na may fracture and up to now he’s still wearing a cast.”

Matatandaan na ikinagulat ng lahat ang pagkatalo at kabiguan ni Marvin na maibulsa ang ikalawang gintong medalya nito sa 30th SEA Games dito sa Pilipinas, dahil na rin sa magandang ipinamalas nito noong 2017 Kuala Lumpur SEA Games.

Umaasa ang ABAP na ikokonsidera ng International Olympic Committee (IOC) Task Force, ang may hawak ngayon ng boxing qualifying tournaments na unang pinamunuan ng International Boxing Association (AIBA), ang pagsali ng 26-year old 2018 Asian Games silver medalist sa world qualifiers sa Paris, France sa Mayo.

“We are hoping that he will be considered sa world (qualifiers) pero ‘yung nakita kong guidelines that only those who lost in the continentals will be qualified for the world qualifiers,” dagdag ni Picson. “I don’t know, we will seek clarification from the Task Force.”

JOHN MARVIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with