Arellano, St. Benilde target ang win no. 2
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - January 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikalawang sunod na panalo at mapanatili ang top spot ang kapwa target ng Arellano University Lady Chiefs at College of Saint Benilde Lady Blazers sa pagpapatuloy ng NCAA Season 95 wo-men’s volleyball  nga-yong araw sa The Arena sa San Juan City.

Makakabangga ng defending champions na Lady Chiefs ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa alas-12 ng tanghali habang kakaliskisan naman ng Lady Blazers ang Mapua Lady Cardinals sa alas-2 ng hapon.

Naging maganda ang simula ng kampanya ng Arellano para sa hangad nitong four-peat crown sa torneo nang padapain nila ang Lyceum Lady Pirates, 27-25, 25-20, 25-20, noong Biyernes pero  kailangan pa nilang magpursige sa mga susunod na laban nito.

Ito naman ang unang pagpalo ng Lady Gene-rals ngayong season na puntiryang tapusin ang nine-game losing streak at alpasan ang performance at 10th place finish  noong Season 94.

Samantala, nagparamdam din sa unang araw ng torneo ang CSB nang takasan nila ang last season runner-up na Perpetual Lady Altas sa loob ng apat na sets, 25-17, 14-25, 25-20, 25-20 sa pangunguna ng mga rookie na sina Mycah Go at Gayle Pascual katuwang sina Jewel Lai, Diane Ventura, Jade Gentapa, at Klarisa Abriam at inaasahan na mu-ling bobomba ang mga ito.

Susubukan naman ng Mapua Lady Cardinals na tuldukan ang patuloy na paglugmok sa liga at higitan ang kanilang performance noong nakaraang taon kung saan tumapos sila sa ikasiyam na puwesto.

Bubuksan naman ang araw sa labanang Arellano at EAC (juniors) bandang alas-8:30 ng umaga na susundan ng men’s game ng Arellano at EAC sa alas-10 habang sa alas-3:30 ng hapon naman ang tapatang CSB at Mapua (men’s) at sa alas-5:00 naman ang laro sa pagitan ng CSB at Mapua (juniors).  

ARELLANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with