^

PM Sports

Masama ang baGsak ni Anthony Davis

Pang-masa

LOS ANGELES – Nagkumpulan ang Los Angeles Lakers kay Anthony Davis na namimi-lipit sa sakit sa sahig ng court sa Staples Center.

Nanalo ang Lakers nang kanilang tambakan ang kalaban ngunit hindi ito masaya para sa La-kers at sa kanilang superstar big man at tila nangangamba ang lahat sa kanilang pangarap na championships.

Iniwan ni Davis ang laro sa third quarter matapos matamaan ang kanyang lower back sa napakasakit na bagsak nito sa ikaanim na sunod na panalo ng  Lakers, 117-87 kontra sa New York Knicks.

Namaga ang ibabang bahagi ng spine ni Davis nang tinangka niyang supalpalin ang driving shot ni Julius Randle. Nawala ito sa Balanse at masama ang bagsak sa court at malakas ang pagtama sa sahig, 2:45 minuto ang natitira sa third quarter.

Nag-alala ang buong Lakers team habang nakapalibot sila kay Davis sa ilalim ng basket.

‘’Fingers crossed, hope for the best, pray for the best,’’ sabi ni coach Frank Vogel.

Pagbagsak ni Davis, hindi ito nakatayo ng halos dalawang minuto bago tinulungan ng kanyang teammates at nakalakad naman ng walang alalay.

‘’We’re hoping he’ll be fine, and we believe he’ll be fine,’’ sabi ni LeBron James na lumaro kahit masama ang pakiramdam. ‘’Tough night for us.’’

Lumabas ang X-rays na negative, ngunit hindi na bumalik sa laro si Davis at nakatakdang sumailalim pa sa ibang test at ayon sa kanyang agent na si Rich Paul matinding sakit ang nararamdaman ni Davis.

Sa Cleveland, isinalpak ni Derrick Rose ang isang 15-footer sa huling 27 segundo para itakas ang Detroit Pistons laban sa Cavaliers, 115-113.

Kumonekta si Rose, tumapos na may 24 points, ng isang runner para ibigay sa Detroit ang 114-113 abante para kumpletuhin ang kanilang pagbangon mula sa 91-110 pagkakabaon sa fourth quarter.

vuukle comment

ANTHONY DAVIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with