^

PM Sports

Didal baka bukas pa sumalang

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa masamang panahong dulot ng bagyong Tisoy, kinansela ng pamunuan ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) ang ilang events ng 30th Southeast Asian (SEA) Games kahapon sa labas ng Kamaynilaan.

Isa ang street skateboarding event sa Tagaytay Skate Park sa Cavite, sa mga sinuspending laro ng PHISGOC na kung saan hinihintay ng lahat ang paghataw ng pambato ng Pinas na si Margielyn Didal.

Inaasahan ang 2018 Asian Games gold medalist at tubong Cebu na si Didal na magdeliber ng gintong medalya sa inaugural sta-ging ng skateboarding sa biennial meet na ito.

Naging maganda ang naging preparasyon ni Didal para sa SEA Games dahil nakagawa nitong makalusot sa semifinal round ng 2019 Street League Skateboarding (SLS) World Championship sa Sao Paulo, Brazil at kung saan nagtapos siya ika-14 puwesto.

Mas lalong lumakas ang tsansa ni 2018 Time Magazine 25 Most Influential Teen para sa unang gintong medalya sa skateboarding nang muli siyang manguna sa Exposure All Women’s Skateboardings sa California noong Nobyembre.

Uminda man ng right foot sprain, ilang linggo bago ang pagsabak niya sa SEA Games, kumpiyansa pa rin siya na mananakaw niya pa rin ang gintong medalya mula rito.

Ayon naman sa PHISGOC, nakatakdang mag-balik aksyon ang skateboarding ngayong araw pero depende pa rin sa magiging lagay ng panahon kung itutuloy nila ito o muling ipagpapaliban.

Kinansela rin ang ilang laro sa Southern Luzon cluster kabilang na ang underwater hockey at Polo, na parehong maaring magbalik ngayon ding araw, habang natuloy naman ang cycling, indoor hockey at netball.

 

vuukle comment

DIDAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with