Philippine mountain bikers bumawi
(Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

BATANGAS, Philippines — Nagtala ng double victory sina Lea Denise Belgira at John Derrick Farr sa downhill event upang makabawi ang Phl Cyclists sa kanilang kabiguan maka-gold sa unang araw ng aksiyon ng mountain bike competition ng 30th Southeast Asian Games sa Laurel, Batangas.

Inihatid ni Lea Denise Belgira ang unang gold ng Pinas sa cycling matapos manalo sa women’s downhill na sinundan ng tagumpay ni John Derick Farr  sa men’s division na sinundan ni Eleazar Barba Jr. para sa 1-2 finish ng mga Pinoy.

Tinapos ni Belgira ang course sa bilis na 3:09.781 minuto para talunin sina Indonesian Tiara Prastika (3:16.986) at Vipavee Deekaballes ng Thailand (3:17.607) na nagkasya sa silver at bronze ayon sa pagkakasunod.

Sa katunayan, nagtala ng 1-2 finish ang Pinas sa men’s division

Nagtala si Farr ng tiyempong 2:41.143 minutes na ilang segundo lang ang layo kay Barba. (2:42.503).

Pambawi ang 2-gold na ito sa pagkabigo sa gold sa pagbubukas ng cycling competition noong linggo kung saan naka-dalawang silver at bronze lamang ang Phl team sa cross country competition.

Nagkasya sina Niño Surban at Edmhel John Flores sa silver at bronze medal finish sa men’s division at bronze rin kay Avegail Rombaon sa women’s category.

Sa Miguel Romero Polo Field sa Calatagan, tangka ng Phl men’s polo team ang unang gold sa pagsabak sa 0-2-goals ang koponan ni Party-list Rep. Mikee Romero matapos magkasya sa silver medal sa 4-6 goals event kamakalawa na pinagwagian ng Malaysia.

Kasama ni Romero sa team szina oco Garcia, Nicole Eusebio, Jam Eusebio at Santi Juban.

CYCLISTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with