_pang-masa
^
Mga dehadong kabayo nanalo

Mga dehadong kabayo nanalo

Nilda Moreno (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Nagtampisaw sa saya ang mga karerista noong Sabado sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite dahil sa mga nanalong dehadong kabayo.

Simula pa lang ng karera ay silat agad ang naliyamadong Case Bell matapos itong mabigo ng Shining Courage na sinakyan ni apprentice rider NC Lunar sa “NPC - Container Bridge Phil. Inc. Special Race” 

Sumegundo ang Magnum Force at nagbigay ng dibidendong P262.00 sa kada limang pisong taya sa Forecast, tersero ang Case Bell at pumang-apat ang Rock The Race, may P1,119.60 ang ibinigay sa Quartet.

Mas malaki ang kinubra ng mga dehadista sa Super Six nang dumating na pang-lima at pang-anim ang Indelible Quaker at Pusang Gala ayon sa pagkakasunod, nagbigay ng P4,132.00 kada isang ticket.

Kahit parehong top favorites ang nagwagi sa races 2 at 3 na sina Sande at Doktora ay malaki pa rin ang winner take all dividends dahil back-to-back dehado ang nagwagi sa races 6 at 7.

Nanalo ang Warrior Flame sa race 6 sa naganap na “NPC - PAGCOR Be-nefit Race” sinilat nito ang liyamadong Pax Britanica.

Lumaki lalo ang dibidendo WTA sa pag­ka­kapanalo ng Altas Glory na nirenda­han din ni Lunar.

“Masaya ako kasi nakikita ko ‘yung mga kareristang nakataya sa kabayong sinakyan ko, kahit paano napasaya ko sila, talagang gaganahan kang sumakay kapag sobra ang suporta sa iyo,” saad ni Lunar. “Sana magtuluy-tuloy ang panalo para palaging masaya,”

Sa panalo ng Alta’s Glory, nagkaroon ng carry over na P18,014.48 sa Pentafecta, sumegundo ang liyamadong Kentucky Rain, tersero ang Hail Storm, pang-apat ang Apo at pang-lima ang dehado rin na Great Style.

Nagbigay ng P13,552.20 sa Super Six, pumang-anim ang Lady Zip na pag-aari ni Atty. Narciso O. Morales.

Dahil sa panalo ng mga dehadong kabayo, may P103, 171.00 ang kinubra ng mga tumama sa WTA, umabot sa 17 tickets ang live pagkatapos ng race 7.

 

DEHADO KABAYO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with