Collegiate Press Corps PVL Player of the Week
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinangalanan ang Ateneo de Manila University Lady Eagles rookie na si Faith Nisperos bilang kauna-unahang Sports Vision PVL Collegiate Conference Player of the Week.

Kasabay ng pagkawala ng triple tower ng Katipunan na sina Bea de Leon, Maddie Madayag at Kat Tolentino at pagkaka-injured ni Deanna Wong, kinarga ni Nisperos ang Ateneo para sa una nitong panalo sa PVL.

Pumalo ng 19 puntos-- galing sa 17 attacks, ang da-ting National University high school standout para pangunahan ang Lady Eagles sa pagdedemolisa sa Letran Lady Knights, 25-16, 22-25, 25-13, 25-20, nitong Sabado.

Masaya si Ateneo coach Oliver Almadro sa pag-angat ng laro ni Nisperos na pinunan ang puwesto ni Ponggay Gaston na hindi nakapaglaro dahil sa sakit.

“I’m reiterating to her naman kasi na it’s not about the points. Sometimes kasi players tend to have ‘yung misconception na I’m a leader because I make the points,” ani Almadro. “What’s nice with Faith is she really listens and tries harder para ma-correct ‘yung details na kino-correct sa kanya.”

Nagawang buhatin ang Ateneo sa una nitong panalo sa off-season league, inamin ng UAAP girls’ volleyball four-time champion at two-time MVP na marami pa siyang kailangan gawin para mas lalong umangat ang kanyang laro.

“ Well, as a starter, I have a lot to improve on pa. Siyempre, I’m thrilled and overwhelmed na I’m already here in Ateneo playing. I think, I’ll grow here more than when I was in high school,” sabi ni Nisperos. 

FAITH NISPEROS PVL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with