Gomez nalo kay Bersamina
(Pang-masa) - April 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinatumba ni Filipino Grandmaster John Paul Gomez ang kababayang si International Master Paulo Bersamina para makasosyo sa liderato si Mongolia FIDE Master Urtnasan Nasanjargal matapos ang three rounds ng Eastern Asia Championship FIDE Zone 3.3 Open sa Mongolia noong Martes ng gabi.

Ito ang ikatlong sunod na puntos ni Gomez, nauna nang binigo sina Philippine bet IM John Marvin Miciano at Mongolian GM Bazar Khatanbaatar.

Ganap niyang makakamit ang solo lead kapag pinabagsak niya si Nasanjargal, iginupo ang kababayang si Badrakh Galmandakh, sa fourth round na nilalaro pa kagabi. Nahulog naman si Bersamina, ginulat si second seed GM Tsegmed Batchuluun ng Mongolia kamakalawa, sa 13-player group sa sixth spot na may 2.0 points.

Lalabanan niya si Galmandakh sa fourth round.

Sa women’s section, nakipag-draw si WGM Janelle Mae Frayna kay Erdenebayar Margadgua ng Mongolia para sa kanyang 1.5 points. Nakipaghati rin ng puntos si WFM Shania Mae Mendoza kay Davaankhi Amina ng Mongolia para sa kanyang 1.0 point.

GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with