^

PM Sports

Papagitna ngayon sa 2019 PBA All-Star Weekend bakbakan ng North vs South

Mae Balbuena - Pang-masa

CALASIAO, Pangasinan — Asahan ang mainit na labanan sa pagbabalik ngayon ng North vs. South format sa 2019 PBA All-Stars showdown bilang se­lebrasyon ng ikatlong dekada ng taunang event na ito dito sa Calasiao Sports Center.

Inaasahang itataas nina Arwind Santos, Alex Ca­bagnot, Gabe Norwood at Troy Rosario — lahat ay All-Star MVP winners, ang pride ng mga taga-Norte sa pagharap ng mga dayong South All-Stars na pa­ngungunahan naman ng mga kapwa nila MVP’s na sina James Yap, Terrence Romeo, Baser Amer at Asi Taulava sa alas-7 ng gabing sagupaan.

Magpapasiklaban din ang mga coaches na sina Louie Alas ng Phoenix at Caloy Garcia ng Rain or Shine na ngayon pa lang sasalang sa PBA All-Stars.

Maglalaro rin ang mga PBA legends na bahagi ng unang North at South All Star game noong 1980 na sina Benjie Paras at Ronnie Magsanoc para sa South team coach ni Garcia kung saan kasama sina Calvin Abueva, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Paul Lee, Marcio Lassiter, Jason Perkins, Stanley Pringle, Jayson Castro, Chris Banchero at Mark Caguioa, habang si­na Alvin Patrimonio at Jerry Codiñera ang lalaro sa South Selection kasama sina June Mar Fajardo, Greg Slaughter, Scottie Thompson, Mark Barroca, RR Pogoy, Chris Ross, PJ Simon, Jio Jalalon, JP Erram at Mac Belo.

Sa halftime ng event na ito na suportado ng PBA Rush sa Cignal TV, Tag Heuer, Peak, Molten/Mueller, Gatorade at Crystal Clear ay magkakaroon ng 10-minute 3x3 contest kung saan makakalaban ng gru­po ni Patrimonio kasama sina CJ Perez at Jesper Ayaay ang team ni Codiñera na kakampi naman sina  Robert Bolick at Javee Mocon.

Tinalo ng South team ang North, 108-105, sa idi­naos na unang North versus South format noong 1992 sa Ultra ngunit nanalo ang North ng walo sa su­munod na 11 nilang paghaharap.

Bilang pampagana, magkakaroon ng shooting stars competition.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with