Tornadoes giniba ang UVC
Chris Co (Pang-masa) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mainit na humarurot ang Foton Tornadoes nang sagasaan ang United Volleyball Club, 26-24, 25-20, 15-25, 25-21, upang makuha ang unang panalo sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagtulong sina imports Selime Ilyasoglu ng Tur­key at Courtney Felinski ng United States sa opensa, habang minanduhan ni playmaker Gyzelle Sy ang setting duties para sa panalo ng Tornadoes.

“It’s a huge win. You always want to start the sea­son on a right foot and it’s a good feeling and I’m really proud of the team for staying positive and communicating and playing to win. It’s a good thing for us,” ani Felinski.

Nagdagdag din ng ilang importanteng puntos sina opposite hitter Shaya Adorador, at middle blockers Maika Ortiz at Christin Joy Rosario para tulungan ang kanilang imports sa attack line.

Malaki ang naitulong ni libero Jen Reyes na su­­­malag sa ilang atake ng kanilang karibal at pagbi­bigay ng magandang receptions para sa Foton.

Magpapatuloy ang aksyon sa Martes sa The Are­na sa San Juan City kung saan sisimulan ng Petron ang pagdepensa sa titulo laban sa PLDT sa alas-2 kasunod ang duwelo ng United Volleyball Club at Sta. Lucia Realty sa alas-4:15 at ang Cignal at F2 Logistics sa alas-7 ng gabi.

TORNADOES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with