Fortune naniniwala kay Manny
Chris Co (Pang-masa) - February 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat na kandidato ang posibleng makalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Sinuman ang makaharap nito, tiwala si strength and conditioning guru Justin Fortune na maipapanalo ng reigning World Boxing Association (WBA) regular welterweight champion ang laban.

“There’s some good fights out there for Manny. Some tough ones but some good, winnable fights,” ani Fortune sa panayam ng Barbershop Conversations.

Amoy ni Fortune na wala pang balak labanan ni undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. si Pacquiao  sa ngayon.

Kaya’t ikinakasa na  ng Team Pacquiao ang pagdepensa sa titulo nito sa isa sa apat na kandidatong nakalinya sina Keith Thurman, Shawn Porter, Danny Garcia at Errol Spence Jr.

“I think whoever’s next out there, personally I don’t see Floyd coming back, but there’s Thurman, Porter and Danny Garcia. There good fights, they’re tough fights. If Thurman gets on a roll, as with Danny, he’s very hard, very hard to beat. Good fighter. Spence, great fighter,” ani Fortune.

Sa apat na kandidato, pinakamaingay ang pangalan ni Thurman na galing sa majority decision win kay Josesito Lopez para mapanatili ang WBA super welterweight belt noong Enero 26 sa Barclays Center sa New York City.

Nakatakda namang idepensa ni Porter ang kaniyang World Boxing Council (WBC) welterweight crown laban kay Yordenis Ugas ng Cuba sa Marso 9 sa Carson, California.

Kung mananalo ito, lalakas ang tsansa nitong makalaban si Pacquiao sa isang unification bout.

Nakatakda namang sagupain ni Garcia si Adrian Granados sa Abril 20 habang makakalaban ni Spence si Mikey Garcia sa Marso 16 para sa kaniyang International Boxing Federation (IBF) welterweight title defense.

 

FORTUNE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with