De Guzman pasok sa Top 20
Francisco Cagape (Pang-masa) - December 18, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagwagi ang Filipi­no IM na si Ricky De Guzman laban kay FIDE Master Yoseph Theoli­fus Taher ng Indonesia para pumasok sa Top 20 ng 7th Asian Continental Chess Championship (2nd Manny Pacquiao Cup) men’s noong Linggo ng gabi sa Tiara Hotel sa Makati City.

Sa panalo, umakyat ang US-based De Guzman sa nine-player log­jam sa 18th spot mula sa kan­yang apat na puntos, mahigit 1.5 puntos ang agwat mula sa nangu­ngunang sina GM Surya Ganguli ng India at GM M. Amin Tabatabei ng Iran na kapwa tangan ang 5.5 points bawat isa sa kanila.

Kasama naman ni De Guzman sa sosyohan sa 18th spot si Filipino GM John Paul Gomez na nanalo naman kontra sa kababayang si GM Joey Antonio sa seventh round ng nine-round tourney na sinusuporta­han nina Sen. Manny Pac­quiao, Philippine Sports Commission at NCFP president Butch Pichay.

Makakaharap ni De Guz­man si IM Xu Yi ng China, habang si Gomez ay gigil na makalaban si GM Ehsan Ghaem Maghami ng Iran sa 8th round ng event kung sa­an kailangan nilang ma­nalo upang makapasok sa Top 10.

Sa women’s division, nanalo rin si WGM Ja­nelle Mae Frayna laban sa kababayang FIDE Master na si Allaney Jia Doroy upang buhayin ang pag-asang makapasok sa top 10. Si Frayna ay umangat na rin sa five-player logjam sa 12th spot sa kanyang apat na puntos.

Kailangan ng 22-an­yos na si Frayna na ma­nalo kay WFM Dita Ka­renza ng Indonesia sa 8th round para makisama sa top 10. Ngunit, tiyak ang mainit na laban dahil ga­ling si Karenza sa panalo kay WFM Aashna Makhija ng India.

Ito na rin ang ikala­wang sunod na panalo ni Fray­na, ang unang WGM ng bansa na sa ngayon ay hinahangad na magiging kaunang Pinay na naka­ku­ha ng men’s GM title. Ang ibang panalo ni Frayna ay kay WFM Aay Aisyah Anisa ng Indonesia sa sixth round.

Nanatili naman sa liderato si IM Ruot Padmini ng India matapos mag­wagi kay IM Guo Qi ng China para masungkit ang pang-anim na puntos.

Nagsosyo naman sa ikalawang puwesto sina IM Pham Le Thao Ngu­yen ng Vietnam, WGM Gong Qianyun ng Singapore at WGM Wang Jue ng China sa parehong 5 puntos.

 

DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with