^

PM Sports

Rain or Shine sa Asian Games?

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inamin ni Rain or Shine co-owner Raymond Yu ang posibilidad ng pagiging kinatawan ng bansa sa nalalapit na Asian Games ngayong Setyembre sa Palembang at Jakarda, Indonesia.

Ito ay matapos ang masinsinang pag-uusap nila ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial kasunod ng mabigat at maraming suspensyon na ipinataw ng International Basketball Federation (FIBA) sa mga manlalaro at coaches ng Gilas Pilipinas.

“Wala pa namang concrete agreement but may offer ang PBA for us to provide the bulk of the players for the Asian Games pero like I said, may mga details pa na we need to iron out,” ani Yu sa isang panayam matapos ang 109-100 panalo ng Rain or Shine kontra  sa Ginebra sa Commissioner’s Cup semifinals.

Ayon sa unang naapbrubahang desisyon ng PBA board, ang  core ng Talk ‘N Text squad kasama sina naturalized import Andray Blatche gayundin sina Gilas Pilipinas cadets Abu Tratter, Ricci Rivero at Kobe Paras ang ipapadala ng bansa sa Asian quadrennial meet sa Setyembre.

Ngunit kinunsiderang bigla ng PBA ang Rain or Shine sa gitna ng desisyon ng FIBA na suspendihin ang 10 manlalaro ng Gilas pati sina coach Chot Reyes at assistant coach Jong Uichico.

Kasama sa 10 suspendidong manlalaro sina Terrence Romeo, Jayson Castro, Roger Pogoy at Troy Rosario ng Talk ‘N Text  gayundin si Blatche na siyang dahilan ng pagtingin ni Marcial at ng PBA sa ibang posibilidad o koponan tulad na nga lang ng Elasto Painters.

“Okay pa naman ang (TNT) sa Asian Games. Pero kung hindi, nakausap na namin ang Rain or Shine na buong team nila, okay lang sila. Basta handa lang ang PBA na tugunan ‘yung hihingin satin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas,” ani naman ni Commissioner Willie Marcial.

Ngunit sa kabila nito ay nilinaw ni Yu na posibilidad pa lamang ang lahat ng ito sa ngayon habang hindi pa pormal na nagpupulong ang mga stakeholders.

“Nothing is set in stone. There was nothing specific but siguro the bulk of line-up will be from Rain or Shine (if ever),” dagdag ni Yu.

 

vuukle comment

RAIN OR SHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with