‘Di inabot ni Phoenix import Eugene Phelps ang tira ni Nico Javelona ng Batang Pier.
Miguel De Guzman
May tsansa pa ang Phoenix
Russell Cadayona (Pang-masa) - June 21, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumangon ang Fuel Masters mula sa apat na sunod na kamalasan para buhayin ang kanilang tsansa sa eight-team quarterfinals cast.

Kaagad nagtayo ng double-digit lead ang Phoenix sa first half patungo sa 135-108 paglampaso sa Globalport para ilista ang kanilang ikaapat na panalo sa 10 laro sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Winakasan ng Fuel Masters ang kanilang four-game losing slump para sumilip ng pag-asa sa isang tiket sa quarterfinals ng mid-season conference.

Nagposte si import Eugene Phelps ng triple-double mula sa kanyang tinapos na 37 points, 23 rebounds at 10 assists, habang nagdagdag sina Matthew Wright, rookie Jason Perkins at RJ Jazul ng 24, 13 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

“We got the win and that’s all that really matter,” sabi ni Phelps. “We got a good team. Everybody stepped up.”

Nalaglag naman ang Batang Pier sa 4-5 kapantay ang Magnolia Hotshots at Columbian Dyip, kasalukuyan pang nilalabanan ang Gineba Gin Kings habang isinusulat ito.

Isinara ng Phoenix ang first half bitbit ang 70-51 kalamangan bago ito palobohin sa 97-61 mula sa isang free throw ni Phelps sa huling 3:28 minuto ng third period.

Mula dito ay ‘di na na-kabangon ang Globalport.

Pinamunuan ni reinforcement Malcolm White ang Batang Pier mula sa kanyang 24 points kasunod ang 15, 14 at 10 markers nina Sean Anthonty, Stanley Pringle at Pao Javelona, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, matapos mahugot si veteran shooter Jeff Chan mula sa Phoenix kapalit ng isang first-round pick sa 2018 BA Rookie Draft ay mu-ling pumasok sa trade ang Ginebra.

Dinala ng Gin Kings si guard Paolo Taha sa Globalport para makuha si small forward Julian Sargent.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with