^

PM Sports

Terrence ‘at home’ agad sa TNT

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang laro pa lamang ngu­nit waring ‘at home’ na kaagad si Terrence Ro­meo sa kanyang ba­gong koponan na TNT Ka­tropa.

Iyan ay matapos dai­gin ng Tropang Texters ang kanyang dating ko­ponang Globalport Ba­tang Pier, 128-114, sa pag­bubukas ng 2018 PBA Commissioner’s Cup noong Linggo sa Smart Araneta Co­liseum.

“Sobrang saya. Kaka­iba ‘yung atmosphere di­to sa bago kong team. Tuwang-tuwa ako at part na ko ng TNT team dahil lahat nagtutulungan sa isa’t isa,” ani Romeo.

Ito ay kahit hindi niya naipamalas ang tunay na laro matapos magkasya lamang sa 11 points mula sa ma­lamyang 4-of-13 sho­oting na sinahugan pa ng limang turnovers.

Hindi ito masyadong ininda ng TNT dahil pitong manlalaro ang ku­ma­mada ng 10 points pa­taas sa pangunguna ng bagong ka-partner ni Romeo na si Jayson Castro na nagbuslo ng 21 points at 10 assists.

Aminado si Romeo na nangangapa pa siya sa bagong koponan ngunit tiwalang makukuha niya rin ang dating bagsik sa tu­long ng kanyang mga ba­gong kasangga.

“Medyo kinakapa ko pa. Nagpapasalamat ako kay kuya Jayson (Castro) and kay coach Nash (Ra­cela).  Lagi akong gi­na-guide. Naninibago ako ulit. Sinasabi nila sa akin na sige, makukuha mo ulit iyan, babalik ulit iyan.”

Naitampok si Romeo sa isang blockbuster trade kung saan napunta siya sa TNT kasama si Yousef Taha kapalit si Mo Tautuaa at dalawang future picks.

Ang naturang trade ang nagwakas sa limang taon niya sa Globalport ma­tapos mapili bilang No. 5 overall pick noong 2013 PBA Rookie Draft.

Inamin ni Romeo na wa­la siyang sama ng loob sa dating ko­ponan.

“Iyon naman ang buhay ng PBA player eh. Hindi namin alam kung san kami mapupunta or hindi namin alam kung san kami next. Ang im­por­tante, kung nasan ka­mi, maging professional kami, ibigay namin best namin, ‘yung makakaya namin,” ani Romeo.

Na-miss din ni Romeo ang kaibigang si Stan­ley Pringle. AD

vuukle comment

TERRENCE RO­MEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with