Bogut maglalaro sa Australia
SYDNEY — Nakatakdang maglaro si NBA center Andrew Bogut para sa Sydney Kings sa National Basketball League ng Australia.
Naglabas ang Sydney club ng isang maikling statement noong Lunes at sinabing naisumite na nila ang paperwork sa NBL para sa paghugot kay Bogut.
“But will provide an update in due course,” sabi ng Kings sa pagkuha nila sa serbisyo ng 33-anyos na si Bogut, ang No. 1 overall pick ng Milwaukee Bucks noong 2005 draft.
Ibinunyag ni Bogut noong Marso na hindi na siya babalik sa NBA para manatili sa Australia kasama ang kanyang buntis na asawa.
Naglaro si Bogut sa 24 games para sa Lakers matapos makuha noong Setyembre at nagposte ng mga averages na 1.5 points at 3.3 rebounds.
Kinuha siya ng Cleveland sa second half ng nakaraang season, ngunit nagkaroon ng fractured left leg wala pang isang minuto sa kanyang debut para sa Cavaliers.
Mula sa Bucks ay lumipat si Bogut sa Golden State Warriors kung saan siya nakatikim ng NBA championship.
- Latest