Mga big men ang maglalaban-laban sa Obstacle Challenge ng PBA All-Stars
(Pang-masa) - April 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa unang pagkakataon ay mga big men naman ang maglalaban-laban sa Obstacle Challenge na itatampok sa 2018 PBA All-Star Spectacle sa Mayo 23-27 sa Davao del Sur, Batangas City at Iloilo.

Babanderahan ni one-time PBA MVP winner Asi Taulava ng NLEX ang mga big men na magpapakita ng kanilang husay sa dribbling, passing at shooting sa isa sa mga tampok na individual events sa All-Stars extravaganza na suportado ng Phoenix Fuels at Phoenix Pulse Technology bilang major sponsor.

Nasa provisional list din ng mga Obstacle Challenge participants sina Alaska slotman Sonny Thoss, flying forward Raymond Aguilar ng Barangay Ginebra, Blackwater star center JP Erram, Kelly Nabong ng Globalport, Columbian Dyip rookie big man Russell Escoto, Ken Bono ng Meralco, Phoenix Fuel veteran Doug Kramer, Aldrech Ramos ng Magnolia, Rain or Shine banger Beau Belga, Yancy de Ocampo ng San Miguel at Yousef Taha ng TNT Katropa.

Samantala, pamumunuan nina titleholder Allein Maliksi ng Blackwater at mga dating ha-ring sina Terrence Romeo ng TNT Katropa at James Yap ng Rain or Shine ang mga top guns sa Three-Point Shootout.

Kasama sa provisional list sina Jayvee Casio ng Alaska, LA Tenorio ng Ginebra, Stanley Pringle ng Globalport, Ronald Tubid ng Columbian Dyip, Garvo Lanete ng Meralco, Larry Fonacier ng NLEX Matthew Wright ng Phoenix, Paul Lee ng Magnolia at Marcio Lassiter ng San Miguel.

Nabigo si Romeo na maging ikalawang PBA player na naghari sa three-point shootout sa tatlong sunod na taon nang maghari si Maliksi noong nakaraang taon sa Lucena. Nagkampeon naman si Yap noong 2009.

Ang All-Star Skills Competitions ay idaraos sa Batangas City Coliseum sa Mayo 25 bago ang All-Star Game sa pagitan ng PBA Luzon Stars at Gilas Pilipinas.

Lalabanan naman ng PBA Mindanao Stars ang Team Phl sa Davao del Sur sa Mayo 23 at sasagupain ng Visayas Stars ang Nationals sa Mayo 27 sa Iloilo.

ASI TAULAVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with