^

PM Sports

BaliPure target ang 3-0

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Target ng nangungunang BaliPure Water Defenders ang ikatlong sunod na panalo sa kanilang paghaharap laban sa defending champion Pocari Sweat habang hangad naman ng Creamline ni Alyssa Valdez ang unang panalo sa Premier Volleyball League Reinforced  Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang Water Defenders at Pocari sa alas-6:30 ng gabi habang makikipagsagupa naman ang Creamline Cool Smashers sa Air Force Jet Spikers sa alas-4 ng hapon.

Sa men’s competition, magtatagpo ang Air Force at Sta. Elena sa alas-10 ng umaga at ang Cignal HD kontra sa IEM sa alauna ng hapon.

“Gusto ko mag-init kaagad. Sabi ko nga kung kailangang painumin ng gasolina sa first set pa lang para mag-init agad. Pero siyempre hindi naman nagiging  deciding set ‘yung opening set. I would prefer winning the first set than losing kasi mahirap pag natalo para kang nag-uumpisa ulit,” dagdag ni Gorayeb.

Sinorpresa nina Grethcel Soltones at Jerrilli Malabanan ang lahat sa kanilang dalawang sunod na panalo, ang una ay sa Jet Spikers 21-25, 25-19, 25-19, 25-21 noong opening at ang ikalawa ay sa Power Smashers, 17-25, 26-24, 25-23, 25-19  noong ikalawang araw ng torneo na inorganisa ng Sports Vision.

Nais ng Creamline ni Alyssa Valdez na bumangon mula sa 23-25, 25-22, 25-19, 25-21 pagkatalo sa  Perlas Spikers noong Linggo rin. Hindi pa nagkasya ang 25 puntos ni Valdez para talunin ang baguhang Perlas.

BALIPURE WATER DEFENDERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with