BaliPure itinala ang 2-0 record
MANILA, Philippines - Bumangon ang BaliPure Water Defenders ma-tapos maiwanan sa unang set patungo sa 17-25, 26-24, 25-23 25-22 panalo laban sa Power Sma-shers para makuha ang liderato sa 2017 Premier Volleyball League Reinforced Conference kaha-pon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.
Sa pangunguna ni three-time NCAA MVP Grethcel Soltones ay nakamit ng Water Defenders ang ikalawang sunod na panalo makaraan ang 21-25, 25-19, 25-19, 25-21 paggiba sa Air Force Jet Spikers sa opening noong Linggo.
Ngunit hindi pa rin ito ikinatuwa ni head coach Roger Gorayeb.
“Hindi pa sila masyadong nag-uusap, nagkaka-hiyaan pa. At this point in time hindi na dapat ganoon,” ani Gorayeb.
Humataw ng 20 puntos, kabilang ang 19 sa ata-ke, si Jerrilli Malabanan, habang may 15 puntos naman si Soltones.
Sa men’s division, tinalo ng Sta. Elena ang Ca-fe Lupe sa loob ng limang sets, 21-25, 20-25, 25-14, 25-18, 15-12.
- Latest




















