Jarin pag-aaralan ang line-up ng NU
(Pang-masa) - January 9, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Balak munang suriin ng bagong head coach ng National University Bulldogs na si Jamike Jarin ang kanyang mga manlalaro sa pagsisi-mula ng kanyang tungkulin.

Ang Season 92 NCAA champion coach ang siyang pumalit kay coach Eric Altamirano na nagbitiw mahigit isang buwan na ang nakakaraan.

Ayaw munang magbigay ng garantiya ni Jarin sa mga tagahanga at komunidad ng NU, subalit sinabi niyang ang pagbabalik sa Final Four ng Bulldogs ang kanyang hangarin sa susunod na UAAP season.

“I need to evaluate the players first. Team A, Team B, Bullpups, let’s see what we lack,” pahayag ni Jarin na nakapag-ensayo na bilang head coach ng Bulldogs noong nakaraang Huwebes. “Of course, we’d like to return to the Final Four. From there, we’ll see.”

Bago kunin ang nasabing posisyon na inia-lok sa kanya ng NU ay inihatid muna ni Jarin ang San Beda College sa tuktok ng NCAA senior men’s basketball nang magkampeon sa Season 92.

Kasama ni Jarin sa kanyang coaching staff sina dating NU Bulldogs player Cedric Labing-isa at sina dating PBA cagers John Ferriols at two-time PBA MVP Danny Ildefonso na isa ring dating Bulldog.

Para kay Jarin, ang paglipat sa seniors division ng UAAP ay isang oportunidad upang lalo pang masubukan ang kanyang husay bilang coach at bilang katunggali. FMLumba

 

JAMIKE JARIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with