CafeFrance sinibak ang AMA Online
MANILA, Philippines - Nag-init si JK Casino para giyahan ang CafeFrance sa 86-70 panalo upang ganap na ma-eliminate ang AMA Online Education sa Final Four ng 2016 PBA D-League Foundation Cup na nagpatuloy sa Ynares Sports Arena sa Pasig kahapon.
Bumitaw ng back-to-back 3-points si Casino na nagpasiklab sa 17-2 run sa end game na nagresulta sa 76-66 kalamangan ng Bakers.
Isinalansan ni Casino ang 14 sa kanyang 20 puntos sa fourth canto bukod pa sa tig-limang rebounds at assists.
“Alam naman natin na shooter talaga si JK. Sa team naman namin, eve-rybody can shoot and today was JK’s day. Thankful lang kami na na-save niya kaming lahat,” ani coach Egay Macaraya.
Nanguna si Congolese big man Rod Ebondo para sa CafeFrance na may double-double na 25 puntos at 14 boards at two blocks kasunod si Carl Bryan Cruz na may 21 puntos at 8 rebounds.
Nanguna naman si Rashawn McCarthy para sa AMA na nalag-lag sa 3-6 panalo-talo sa kanyang 28 puntos, 5 rebounds at 5 assists.
Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaro pa ang Racal at Tanduay sa second game. (FML)
CAFEFRANCE 86 - Ebondo 25, Cruz 21, Casino 20, Zamar 7, Manlangit 5, Abundo 4, Jeruta 2, Parala 2, Anunciacion 0, Arim 0, Custodio 0, Opiso 0.
AMA 70 - McCarthy 28, Martinez 15, Ortega 8, Jordan 6, Arambulo 4, Jo. Montemayor 4, Asuncion 3, Taganas 2, Belleza 0, Bra-gais 0, Macaranas 0, Je. Montemayor 0.
Quarterscores: 25-20, 45-44, 54-55, 86-70.
- Latest