Wang’s bumangon para itakas ang panalo sa OT
(Pang-masa) - January 28, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ibinuhos ng CafeFrance-CEU ang kanilang lakas sa second at third quarter tungo sa kanilang runaway victory sa inaasahang close game kontra sa BDO-National U para sa 110-86 panalo upang makisalo sa liderato sa PBA D-League Aspirants’ Cup na nagpatuloy sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kahapon.

Na-outscore ng Bakers ang Bulldogs, 27-12 sa second quarter  para basagin ang 21-all  bago humataw ng 34 points kontra sa 21 ng BDO-NU sa sumunod na canto tungo sa kanilang tagumpay.

Kinamada ni Paul Zamar ang 12 sa kanyang game-high na 22 points sa first half habang may 11 puntos naman si Rodrigue Ebondo sa second quarter sa kanyang tinapos na 19 markers  para sa ikalawang sunod na panalo ng Bakers na sumalo sa liderato sa  Caida Tile Masters at UP QRS/Jam Liner Maroons na kapareho nilang may 2-0 record.

Tumapos naman si Carl Bryan Cruz ng 15 points,  si John Carlo Casino ay may 12 markers at nagdagdag si  Aaron Jeruta ng 11 points para sa Bakers.

Bumangon naman ang Wang’s Basketball mula sa 18-point deficit sa ikatlong quarter sa pangu-nguna ni Gwyne Capacio na humakot ng 9 sa kanyang 23 puntos sa extra period para sa 97-88 panalo kontra sa  Mindanao Aguilas sa unang laro.

CAFEFRANCE 110 – Zamar 22, Ebondo 19, Cruz 15, Casino 12, Jeruta 11, De Leon 7, Manlangot 6, Villahermosa 6, Arim 5, Guinitaran 3, Abundo 2, Opiso 2, Celso 0.

BDO-NU 86 – Salem 17, Alejandro 15, Javelona 9, Labing-isa 9, Tansingco 8, Perez 7, Salim 7, Diputado 6, Rono 6, Yu 2.

Quarterscores: 21-21, 48-33, 82-54, 110-86.

WANGS BASKETBALL 97 – Capacio 23, Mangahas 18, Munsayac 17, Bautista 16, Vijandre 6, Ilad 5, Banal 4, Je. Montemayor 4, Cueto 2, Jo. Montemayor 2, Namocatcat 0, Tumalip 0.

Mindanao 88 – Garcia 23, Acibar 18, Jumao-as 15, Sarangay 11, Julkipli 5, Rivera 5, Ignacio 4, Ongteco 3, Rublico 2, Villa-nueva 2, De Guzman 0, Nalos 0, Wetherell 0.

Quarterscores: 10-24, 29-39, 50-62, 79-79, 97-88.

AARON JERUTA CAIDA TILE MASTERS CARL BRYAN CRUZ D-LEAGUE ASPIRANTS DE GUZMAN DE LEON GWYNE CAPACIO JAM LINER MAROONS JOHN CARLO CASINO MINDANAO AGUILAS STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with