Petecio No. 2 sa AIBA ranking

(Pang-masa) - January 13, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Lumikom ang Asian Championships silver medalist na si Nesthy Petecio ng kabuuang 988 puntos para okupahan ang  ikalawang puwesto sa women’s featherweight (57 kgs.) class ng International Boxing Association (AIBA) world rankings.

Kumuha ng malaking puntos ang 23-anyos na si Petecio sa kanyang panalo sa  2015 Southeast Asian Games sa Singapore at Asian Boxing Confederation Championships sa China noong nakaraang taon.

Nakasiguro rin ito ng gintong medalya sa 2015 Indonesia President’s Cup sa Indonesia subalit walang puntos ang ibinigay sa naturang palaro dahil wala itong basbas ng AIBA.

Noong 2014, nakapag-uwi rin ng pilak na medalya si Petecio sa prestihiyosong World Women’s Boxing Championship sa Jeju, South Korea kung saan natalo ito kay Russian Zinaida Dobrynina.

Si Dobrynina ang kasalukuyang world No. 1 tangan ang 1,700 puntos habang nasa ikatlo si Italian Alessia Mesiano na may 950 puntos kasunod sina Tiara Brown ng United States (850), Oh Yeonji ng South Korea (500), Svetlana Staneva ng Bulgaria (400), Maryna Malovana ng Ukraine (300), Taynna Santos Cardoso ng Brazil (250), Lara Garcia ng Spain (200) at Florencia Juarez Romero ng Argentina (150).

Nasa ikaapat na puwesto naman si World Championships bronze medalist Ro-gen Ladon sa men’s light flyweight (46-49 kgs.) matapos humakot ng 1,050 puntos.

Maliban sa kaniyang tanso sa AIBA World Boxing Championships sa Qatar ay nagbulsa rin si Ladon ng pilak sa Singapore SEA Games.

Nangunguna sa naturang dibisyon si reigning world champion Joahnys Argilagos Perez ng Cuba na may 1,900 puntos kasunod sina Birzhan Zhakypov ng Kazakhstan (1,700) at Vasilii Egorov ng Russia (1,300).

Pasok sa Top 10 sina Dmytro Zamotayev ng Ukraine (895), Gan Erdene Gankhuyag ng Mongolia (850), Brendan Irvine ng Ireland (850), Joselito Velazquez Altamirano ng Mexico (770), Hasanboy Dusmantov ng Uzbekistan (750) at Shin Jonghun ng South Korea (700).

ASIAN BOXING CONFEDERATION CHAMPIONSHIPS ASIAN CHAMPIONSHIPS BIRZHAN ZHAKYPOV BOXING CHAMPIONSHIP BRENDAN IRVINE DMYTRO ZAMOTAYEV FLORENCIA JUAREZ ROMERO GAN ERDENE GANKHUYAG HASANBOY DUSMANTOV INDONESIA PRESIDENT SOUTH KOREA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with