Bullpups dumiretso sa 8-0
MANILA, Philippines – Tuluyan nang nasakmal ng National University Bullpups ang kanilang pang-walong sunod na panalo para manatili sa liderato sa second round ng 78th UAAP juniors’ basketball tournament.
Nagtala sina John Lloyd Clemente at Justine Baltazar ng double-doubles para igiya ang Bullpups sa 81-69 panalo kontra sa nagdedepensang Ateneo Blue Eaglets kahapon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.
Kumolekta si Clemente ng 21 points at 13 rebounds at humakot si Baltazar ng 15 points at 20 boards para muling banderahan ang NU, naglista ng 25-point lead sa Ateneo.
Ikinasa ng Bullpups ang kanilang malinis na 8-0 kartada at kinumpleto ang pagwalis sa kanilang season series ng Blue Eaglets.
Nauna nang tinalo ng NU ang Ateneo, 73-60, sa first round noong Disyembre 12.
- Latest