^

PM Sports

Trilogy mahirap ibenta

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Marami ang nagtaas ng kilay nang piliin ni Man­ny Pacquiao na mu­ling labanan si Timothy Bradley, Jr. sa pangatlong pagkakataon.

Inamin ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na mahihirapan siyang ibenta ang naturang HBO Pay-Per-View trilogy bout nina Pacquiao at Bradley.

Ito ay bunga ng galit ng mga boxing fans sa na­ka­kaantok na super fight nina Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) at Floyd Maywea­ther, Jr. (49-0-0, 26 KOs) no­ong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“Of course, I understand the reaction to the May­weather-Pacquiao fight is going to impact us. Clear­ly, yes. There is no question about that,” sabi ni Arum sa panayam ng Yahoo Sports.

Tinalo ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision kung saan ina­min ng Filipino world eight-division champion na nagkaroon siya ng shoulder injury sa fourth round kaya hindi niya na­pabagsak ang American world five-division titlist.

Tinalo naman ni Bradley (33-1-1, 13 KOs) si Pacquiao mula sa kontro­bersyal na split decision victory noong Hunyo ng 2012 kung saan kumita ang laban ng 890,000 pay-per-view buys.

Sa kanilang rematch ni Pacquiao noong Abril 2014 na naipanalo ni ‘Pac­man’ ay umabot lamang ito sa 800,000 PPV buys.

“Will we do the same numbers for the first two Bradley fights? Probably not. We’re going to try to come as close as we can, and hopefully exceed it, but I understand what we’re up against,” sabi ni Arum.

Itinakda ni Arum ang ‘trilogy’ nina Pacquiao at Mayweather sa Abril 9  sa MGM Grand sa Las Ve­gas.

Ayon kay Arum, mas malaki ang kikitain ng ikatlong salpukan nina Pac­­quiao at Bradley kesa sa dalawa pang kandidatong sina WBO light welterweight ruler Terence Craw­ford (27-0-0, 19 KOs) at Amir Khan (31-3-0, 19 KOs).

Ito ay base sa kanyang pakikipag-usap sa HBO at sa mga pay-per-view dis­tributors.

Ang magiging ‘selling point’ ng PPV ay ang pagkuha ni Bradley sa bago niyang trainer na si Teddy Atlas.

Sinibak ni Bradley si trai­ner Joel Diaz noong Setyembre at hinugot si At­­las.

Unang nagtambal sina Bradley at Atlas noong Nob­­yembre kung saan pi­nigil ni Bradley si Brandon Rios sa ninth round.

ABRIL

ACIRC

AMIR KHAN

ANG

BOB ARUM

BRADLEY

BRANDON RIOS

FLOYD MAYWEA

ITO

PACQUIAO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with